Kia Forum banner

1 - 1 of 1 Posts

·
Registered
Joined
·
1 Posts
Discussion Starter · #1 ·
Sa mga mayroong Kia Picanto 2013.

Bumili ako ng Picanto a week ago, kaso i'm confuse sa mga nangyayari sa Picanto na nabili ko sa Bulacan Dealer. Kasi wala pang 24 hours pag-start ko ng picanto na nabili ko, ang ingay ng makina, prang jeep or generator ang tunog. Ganito ba talaga ang Kia Picanto 1.0L 2013.

Tapos nireport ko sa Bulacan Dealer at nagpadala sila ng technician nila, at tinignan yung computerbox at ito ang pambihira na nakita mayroong daw error na nakita sa computerbox kahit brand new yung Picanto ko, pero sabi ni technician hindi daw related sa pag-ingay ng makina sa nakita niyang error sa computerbox. Pero ganun pa man bakit ganun yung bagong-bagong kong biling Picanto may error agad ang computerbox? Pinapapalitan ko nga sa kanila pero sabi sa akin kailangan daw dalhin muna sa Planta, para malaman kung depekto daw yung unit or what.. Kaya hanggang ngayon ang binili kong unit hindi ko pa napapakinabangan or magamit at kailangan daw munang check ng planta, pero yung pera ko nasa kanila na, kaya eto ako ngayon walang magamit na sasakyan...

Sa mga mayroong Picanto pa-advice naman kung anong dapat kong gawin..
 
1 - 1 of 1 Posts
Top